Maraming maaaring maging dahilan kung bakit kinakailangan nating baguhin ang ating mobile number.
Para baguhin ang iyong registered mobile number sa app, sundin ang mga sumusunod na steps:
- Buksan ang iyong PalawanPay app at mag-login gamit ang registered mobile number at QPIN.
Maaari ka ring mag-login using your biometrics (fingerprint) depende sa kung paano mo nai-setup ang iyong PalawanPay app. - Pindutin ang profile icon sa upper left (kaliwa) corner ng app at i-tap ang "Account Settings".
Dito makikita ang lahat ng mga account information na maaaring baguhin. - Piliin ang “Change Mobile No” upang palitan ang associated mobile number sa iyong PalawanPay app.
- Unawaing mabuti ang mga paalala ukol sa pagpapalit ng mobile number.
Maaari lamang magpalit ng mobile number tatlong (3) beses sa isang taon. - Click "Confirm" pagkatapos basahin ang mga paalala upang magpatuloy.
- Ilagay ang bagong mobile number sa "New Mobile No" field.
- Click "Change" to confirm this action.
Congratulations! Nai-submit mo na ang iyong change mobile number request.
Maghintay na lamang ng 5-7 banking days for approval.
Kung ang iyong mobile number ay lost/stolen device o deactivated na ang iyong SIM card, i-click lamang ang related na article na ito: Nawala ang aking phone o deactivated na ang aking SIM card, paano ko mapapalitan aking mobile number sa PalawanPay app?