Maaaring baguhin ang ilan sa mga nabigay na personal na impormasyon sa iyong PalawanPay app, tulad ng pangalan, kaarawan, nationality, address, at iba pa. Upang mapanatiling confidential ang mga ibinahaging impormasyon, ang pag submit ng verification form ay required. Ihanda rin ang iyong valid ID.
PAALALA: Kung ang nais lamang na baguhin ay ang email address ng account, hindi na kailangang dumaan sa verification process. I-check ang topic na Paano ko mapapalitan ang aking e-mail address?
Para baguhin ang iyong personal na impormasyon, sundin ang mga sumusunod na steps:
- Buksan ang iyong PalawanPay app at mag-login gamit ang registered mobile number at QPIN.
Maaari ka ring mag-login using your biometrics (fingerprint) depende sa kung paano mo nai-setup ang iyong PalawanPay app. - Pindutin ang profile icon sa upper left (kaliwa) corner ng app at i-tap ang "Account Settings".
Dito makikita ang lahat ng mga account information na maaaring baguhin. - Pindutin ang “Change Personal Information.”
- Basahin ang reminder at pindutin ang “Confirm.”
- Ilagay ang bagong personal na impormasyon kapalit ng nais mong baguhin.
- Pindutin ang “Change”.
Matapos i-submit ang iyong request, ire-review ito ng ating Customer Care Team sa loob ng 2-3 business days at makaka-receive ka ng notification kapag ito ay nakumpleto na.