Maaaring palitan ang email sa iyong PalawanPay app. Basahin ang mga sumusunod na steps:
- Buksan ang iyong PalawanPay app at mag-login gamit ang registered mobile number at password. Maaari na ding mag-login using your fingerprint depende sa kung paano nai-setup anf iyong app.
- Pindutin ang profile icon sa upper left corner (kaliwa) ng app. Dito makikita ang options upang palitan ang profile-related information.
- Pindutin ang “Change Email”.
- Ilagay ang bagong email address. Siguraduhing tama ang email address bago tumuloy sa next step.
- Pindutin ang "Change" to confirm this request.
- Makakatanggap ka ng email upang i-verify ang bagong email address. Buksan ang inbox ng bagong email na inilagay. I-click ang link.
- Ilagay ang PIN na mula sa email upang i-confirm ang bagong email.