Ang PalawanPay ay open sa lahat ng local mobile networks. Kahit sino ay pwedeng mag-register basta may active mobile number at mobile device na may OS Version na 8.1 pataas para sa Android at Huawei at iOS 15 Version para sa Apple devices.
-
Pumunta sa Google Play Store/Huawei App Gallery o Apple App Store at i-download ang PalawanPay app. Pagkatapos ay buksan ang app, pindutin, basahin, at mag-agree sa “Terms and Conditions.” I-tap ang “Submit” at i-allow ang app na ma-access ang iyong camera para sa registration.
-
Ilagay ang iyong mobile number at mag nominate ng password na naaayon sa guidelines ng app. Matapos ay pindutin ang “Register.”
Paalala: Pinaka-OK na gumamit ng simcard na kaparehas ng kung ano ang active number na gamit sa iyong mobile phone. Ito ay para masigurado na makakareceive ka ng timely updates via SMS and push in-app notifications.
-
Ilagay ang One-Time Pin na na-receive via SMS na pinadala sa iyong nominated mobile number.
-
Kumpletuhin ang mga impormasyon na hinihingi, tulad ng pangalan at kapanganakan. Pindutin ang “Register” para tumuloy.
Paalala: Ang email address ay optional ilagay, ngunit ito’y kakailanganin kung nais mong maging isang verified user.
-
Kumpletuhin ang iyong address at pindutin ang “Submit.”
-
Pindutin ang “I’m Ready.” Mag selfie video at sundin ang nakalagay na instructions sa app.
-
Mag nominate ng iyong 4-digit Mobile Pin (Quick PIN).
Paalala: Siguraduhin na madali mong matatandaan ang iyong MPIN. Ito ang magiging password mo sa pagbubukas ng iyong PalawanPay app at kakailanganin din sa pagsagawa ng mga transactions sa app.
-
Congratulations! Ikaw ay succcessfully registered na’t pwedeng-pwede na makagamit ng PalawanPay app!
Optional: Pwede mong ituloy ang pag-upgrade ng iyong account para maging isang verified user at mas ma-enjoy ang maraming features ng app. Pindutin ang “Upgrade Now” para tumuloy. Kung hindi mo pa nais gawin ito ay pindutin lamang ang “Upgrade Later.”