Ikinalulungkot namin kung nais mong i-deactivate o i-delete ang inyong PalawanPay account. Maari ka naming tulungan na gawin ito.
Ngunit nais naming ipaalala sa iyo ang ilan lamang sa magagandang dahilan kung bakit maganda at convenient ang pagkakaroon ng PalawanPay account.
I-click lamang ang mga icons sa ibaba para sa kumpletong detalye ng bawat features and benefits ng iyong PalawanPay app.
Kung nais mong magpatuloy sa pagdedelete o pagde-deactivate ng iyong account, i-click lamang ang link na ito at i-fill out ang mga hinihinging detalye ukol sa iyong PalawanPay Account:
Account Deactivation Request Form
Alinsunod sa mga patakaran at alituntuning ipinaiiral ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang mga institusyong pinansyal tulad ng PalawanPay ay kinakailangang panatilihin ang mga tala ng kanilang mga kostumer ng hindi bababa sa 5 taon mula sa petsa ng pag-deactivate ng account.
Huwag mag-alala, sa sandaling ang iyong account ay ma-deactivate, walang makaka-access nito. Nais din naming ipaalala na may hiwalay na proseso kung sakaling nais mong ipa-reactivate ang iyong PalawanPay account sa hinaharap.
Maraming salamat, Suki!