Para sa iyong convenience, maaari kang mag-save ng biller kung madalas mo itong binabayaran para hindi mo na kailangang ipasok ang iyong detalye nang paulit-ulit.
Maaaring sundin ang mga sumusunod na steps:
- Piliin ang “Pay Bills” sa iyong PalawanPay dashboard.
- Pindutin ang “Add a Biller”.
- Piliin ang biller na nais i-add.
- Ipasok ang detalye ng iyong biller account. Pindutin ang “Next”.
PAALALA: Maaari mo rin i-customize ang biller name sa “Preferred Biller name.” - I-review ang details na iyong nilagay. Pindutin ang “Save”.
- Lalabas ang confirmation page sa iyong na-save na biller.
Maaari mo na rin itong magamit sa iyong mga future transactions.