Libre lamang at walang annual fees para magamit ang PalawanPay app, ngunit may corresponding fees ang maaaring i-charge sa iyong account ayon sa uri ng transaction na gagawin.
Ang Transaction fee ay nag-iiba ayon sa biller na iyong babayaron, kaya't ang fee na maaaring ma-charge sa iyong account ay makikita sa confirmation page tuwing ikaw ay magbabayad ng bill.
Madali at mabilis ang pag bayad ng bills gamit ang PalawanPay app! Sundin lamang ang mga sumusunod na steps:
- Mag login sa iyong PalawanPay app at piliin ang Bills Payment option.
- Hanapin ang iyong biller at ilagay ang iyong account number, account name, at iba pang hihingin na detalye. Maaaring makita ang buong listahan ng billers dito.
- Pindutin ang “Next” at i-check kung tama ba ang impormasyon. Pindutin ang “Confirm.” Ilagay ang MPIN bago i-click ang “Send.”
- Antayin ang confirmation.