Oo! Pwedeng bayaran ang overdue na bills gamit ang PalawanPay app.
Paalala: Maaaring umabot ng 3 business days ang posting sa iyong bayad sa isang biller. Nasa iyo kung nais mong ituloy ang pagbabayad.
Ang exception lamang ay kung may na-receive kang disconnection notice mula sa Meralco. Hindi mo na maaaring gamitin ang PalawanPay sa pagbabayad, dahil hindi na pwedeng magamit ang iyong Meralco Reference Number. Makipag-ugnayan na lamang sa biller upang ma-settle ang iyong account.