Kung sa hindi inaaasahang pangyayari ay na-doble ang bawas sa iyong account, maaari mong i-consider ang mga sumusunod na options:
1. Pwede mong i-monitor muna ang iyong PalawanPay account sa loob ng 3 business days.
Ugaliing i-check ang account balance sa posibleng pag refund o automatic reversal.
Kung nabawasan man ang iyong account ngunit nag fail ang payment, automatic na ire-refund sa’yo ito ng system. May mga biller na automatic na nagre-refund ng double payment na nadedetect sa kanilang system. Kung wala man refund na nag reflect ay maaari rin i-check ito directly sa biller kung na-post ba ang kanilang bayad. Makakatulong ito para siguraduhin na ang iyong bayad ay hindi naka-float.
2. Maaari ka rin mag request ng refund.
Maaaring mag submit ng ticket sa PalawanPay Customer Support at babalikan ka ng isa sa aming mga representatives sa loob ng 24 business hours. Ilagay ang mga sumusunod na detalye.
Unposted Bills Payment – Incorrect Biller
- Payor Name:
- Payor Mobile Number:
- Transaction Date:
- Amount:
- Biller:
- Reference No.:
- Incorrect Account Number:
- Correct Account Number:
- Screenshot of Transaction Confirmation (if available):
3. Maaaring alamin mo rin kung ang biller ay nakakapag-accomodate ng advance payments.
Madalas ang mga utilities, credit card, loans, cable, at internet providers ay automatic na nagbabawas ng mga sobrang bayad para sa susunod na billing statement. Ngunit pinaka-mainam ay i-check rin ito sa iyong biller upang makasigurado.
Pwede mong i-consider ang sobrang bayad bilang advance payment para sa iyong susunod na billing statement.
Paalala: May mga biller na maaaring abutin lagpas sa susunod na billing cycle sa resolution.
Naiintindihan namin na ito ay mga posibleng solusyon lamang at suggestions upang makita kung ano sa tingin mo ay mas madali para sa’yo.