Maaaring ang pag receive ng SMS ay maapektuhan ng iyong location, network traffic, at iba pang factors kung kaya ang SMS notification ay maaaring makaranas ng delay o hindi dumating. Wag magalala, dahil may iba pang paraan para malaman kung successful ang iyong payment!
Isang indicator na na-process ang bayad mo ay kung nabawas ito sa iyong balance. Nagre-reflect ang mga transaction ngayong araw sa susunod na business day, ngunit minsan ay inaabot din ng higit sa 3 araw ang posting ng transactions.
Maaaring mag submit ng ticket sa PalawanPay Customer Support at babalikan ka ng isa sa aming mga representatives sa loob ng 24 business hours. Ilagay lamang ang mga sumusunod na detalye:
Unposted Bills Payment – Incorrect Biller
- Payor Name:
- Payor Mobile Number:
- Transaction Date:
- Amount:
- Biller:
- Reference No.:
- Incorrect Account Number:
- Correct Account Number:
- Screenshot of Transaction Confirmation (if available):
Kung maka-encounter man ang PalawanPay ng problema sa posting ng iyong transaction sa biller ay automatic na ibabalik ito sa iyong account sa susunod na business day. Ugaliing i-monitor ang iyong account balance at transaction history sa PalawanPay app at kung mabalik ang iyong bayad ay maaaring gumawa ng panibagong transaction.