Kung ikaw ay aksidenteng nakapag-bayad ng maling amount, may mga biller na automatic na ibinabawas sa susunod na billing statement ang sobrang bayad ng nakaraang buwan. Madalas ay ganito ang ginagawa ng mga utilities, credit cards, loans, cable, at internet providers hanggang sa ma-post ang lahat ng sobrang binayad sa iyong account.
Maaari pa rin mag request ng refund. Mag submit lamang ng ticket sa PalawanPay Customer Support at babalikan ka ng isa sa aming mga representatives sa loob ng 24 business hours. Ilagay ang mga sumusunod na detalye:
Bills Payment – Incorrect Amount
- Payor Name:
- Payor Mobile Number:
- Transaction Date:
- Amount:
- Correct Payment Amount:
- Biller:
- Account Number:
- Account Name:
- Reference No.:
- Screenhsot of Transaction Confirmation:
Paalala: Ang refund ay naka-depende sa process at response ng biller. Maaaring ang kanilang response ay umabot ng lagpas sa iyong susunod na billing cycle. May mga biller din na hindi pumapayag sa refund at binabawas na lamang ang sobrang bayad sa susunod na billing statement.