| REQUIREMENTS | DESCRIPTION |
| Monthly Account Limit | Hanggang Php 500,000 ang monthly account limit kapag approved ang iyong Level 3 (Gold) upgrade. |
| Average Monthly Usage | Isasaalang-alang ang average monthly usage ng iyong PalawanPay account sa evaluation ng iyong request. |
| Accepted Documents | Mag-submit ng kahit isa (1) sa mga sumusunod na requirements. |
| Bank Statement | Dapat nakalagay ang iyong pangalan at address, at dapat mag-match ito sa details ng iyong PalawanPay account. |
| Utility Billing Statement | Dapat nakalagay ang iyong pangalan at address, at dapat mag-match ito sa details ng iyong PalawanPay account. |
| Barangay Business Permit | Dapat nakalagay ang iyong pangalan at address (Municipality/City at Province). |
| Mayor's Business Permit | Dapat nakalagay ang iyong pangalan at address (Municipality/City at Province). |
| Income Tax Return (ITR) | Dapat nakalagay ang iyong pangalan at address na tugma sa iyong PalawanPay account. Wala nang required minimum amount. |
| Payslip | Dapat may minimum monthly income na Php 100,000. |
| Certificate of Employment (COE) with Salary | Dapat nakalagay ang iyong salary at may minimum monthly income na Php 100,000. |
| IMPORTANT NOTE Hindi na required ang specific amount sa ITR o Bank Statement. Ang importante ay mag-match ang pangalan at address sa details na naka-register sa iyong PalawanPay account. | |
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS |
ANO ANG LEVEL 3 (GOLD)?
Ang Level 3 (Gold) ay isang account verification level na nagbibigay ng monthly account limit na hanggang Php 500,000.
ANO ANG REQUIREMENTS PARA MAG-UPGRADE SA LEVEL 3 (GOLD)?
Kailangan mong magsumite ng kahit isa (1) sa mga sumusunod na documents, kasama ang evaluation ng iyong average monthly PalawanPay account usage:
- Bank Statement o Utility Billing Statement (dapat mag-match ang pangalan at address sa iyong PalawanPay account)
- Barangay Business Permit o Mayor's Business Permit (dapat nakalagay ang pangalan at address)
- Income Tax Return (ITR) (dapat mag-match ang address)
- Payslip (minimum monthly income na Php 100,000)
- Certificate of Employment (COE) with Salary (minimum monthly income na Php 100,000)
KAILANGAN PA BANG MAY SPECIFIC AMOUNT SA BANK STATEMENT O ITR?
Hindi na. Wala nang required minimum amount sa Bank Statement o ITR. Ang importante ay mag-match ang pangalan at address sa details ng iyong PalawanPay account.
KAILANGAN BANG PAREHO ANG ADDRESS SA ISUSUBMIT NA DOCUMENT AT SA PALAWANPAY ACCOUNT KO?
Oo. Ang pangalan at address sa iyong document ay dapat tumugma sa details na naka-register sa iyong PalawanPay account.
PWEDE BANG CREDIT CARD STATEMENT ANG I-SUBMIT?
Hindi. Bank Statement lamang ang tinatanggap. Hindi accepted ang Credit Card Statement para sa Level 3 (Gold) verification.
PAANO KO MALALAMAN KUNG APPROVED ANG REQUEST KO?
Iva-validate muna ang iyong mga isinumiteng documents. Kapag kumpleto at valid ang mga ito, ipo-process ang iyong request at makakatanggap ka ng email update tungkol sa status nito.
ANO ANG MANGYAYARI KUNG KULANG O HINDI ANG VALID REQUIREMENTS KO?
Kung ang iyong documents ay malabo, hindi mabasa, kulang, o hindi tugma ang details sa iyong account, hindi maa-approve ang iyong request. Makakatanggap ka rin ng email na may update at dahilan ng rejection.
PWEDE BA AKONG MAG-SUBMIT ULIT KUNG NA-REJECT ANG REQUEST KO?
Oo. Maaari kang mag-submit muli ng request kapag kumpleto na at naitama mo na ang mga requirements.
SAAN AKO PWEDENG MAG-CHECK NG KARAGDAGANG IMPORMASYON?
Maaari mong basahin ang mga sumusunod na Help Center articles:
- Level 3 (Gold) Requirements
- Bank Statements vs Credit Card Statements