Ang verification process o Know-Your-Customer (KYC) process ay isa sa mga requirements ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ito ay isang one-time process para masiguradong lehitimo ang isang user. Bukod dito ay mas marami rin ang maaaring ma-access na features at services ng PalawanPay kung verified ang iyong account, tulad ng mas mataas na daily limit, Cash Out, Send Money, at marami pang iba.
PALAWANPAY ACCOUNT LEVELS:
-
Basic User (Level 1 o non-verified) – Ikaw ay registered lamang sa PalawanPay at pwede lamang gumamit ng mga basic services tulad ng Cash-In sa mga over-the-counter channels, Cash Out, Pera Padala, Pay Bills, Buy Load, at Borrow Load.
-
Verified User (Level 2) – Ikaw ay nakatapos at na-approve sa verification process sa pamamagitan ng pag submit ng valid ID. Congratulations! Pwedeng-pwede mo nang gamitin ang iba’t-iba pang features at services ng PalawanPay!
Ang mga sumusunod ay maaari mo nang magamit:- Wallet limit hanggang Php 250,000.00.
- Full access sa Palawan Pay services tulad ng Cash Out, Send Money, at marami pang iba.
Kung ikaw ay Verified user, maaari mong magamit ang lahat ng features at services ng PalawanPay app tulad ng Cash Out at Pera Padala nang may mas mataas na monthly at annual limits kumpara sa Basic accounts.
Para maverify ang iyong account, basahin at sundin ang mga sumusunod na steps:
1. Buksan at mag-login sa PalawanPay app.
2. Pindutin ang "Upgrade Account." Pindutin ang "Continue" para tumuloy.
3. Piliin ang ID type na iyong isasubmit.
4. Kuhanan ng malinaw ang harap at likod ng iyong ID. Pindutin ang "Next" para tumuloy.
5. Kumpletuhin ang mga personal details na hinihingi. Pindutin ang "Next" para tumuloy.
6. Ang iyong verification application ay nakumpleto na. Antayin ang push notification mula sa app kung ang iyong verification ay successful o hindi.
See list of acceptable IDs here.