Sending money from the Philippines to abroad is now made easier with PalawanPay!
Mag-Pera Padala na anytime, anywhere! π
WIN-WIN ang bawat pera padala to your loved ones abroad with PalawanPay β hassle-free na, mataas pa ang exchange rate!
Narito ang mga sagot sa mga katanungan na maaaring mayroon ka, Suki.
ANO ANG PERA PADALA ABROAD?
Ang Pera Padala Abroad ay isang service mula sa PalawanPay kung saan pwede ka nang magpadala to anywhere around the world.
I AM A BASIC ACCOUNT USER, MAAARI BA KONG GUMAMIT NG PERA PADALA ABROAD?
For the security of your transactions, kailangan ay Verified ang iyong account upang makapagpadala ng pera abroad through PalawanPay.
Kung hindi pa Verified ang iyong account, narito ang mga dapat mong gawin:
How do I get fully Verified?
PAANO MATATANGGAP NG AKING PADADALHAN ANG AKING PADALA?
Para sa convenience mo, Suki, may tatlong ways para matanggap ang iyong padala:
- Cash Pick Up
- Mobile Wallet Transfer
- Bank Transfer
MAAARI KO BANG I-CANCEL ANG AKING PERA PADALA ABROAD TRANSACTION?
Naiintindihan namin na madaming posibleng dahilan kung bakit kailangan mong i-cancel ang transaction. Sa pagkakataong ito, maaari mong balikan ang Pera Padala Abroad transaction sa iyong PalawanPay transaction history at piliin ang option to Cancel Transaction.
Makatatanggap ka rin ng cancellation notification sa iyong registered email address.
PAANO KO MALALAMAN KUNG NATANGGAP NA ANG AKING PADALA?
Para sa kapanatagan ng iyong loob, makatatanggap ka din ng notifications kapag ang iyong padala ay natanggap na through push notifications, PalawanPay in-app notification at SMS o text.