Hello, Suki!
Magandandang araw! Narito ang step-by-step guide kung paano i-claim ang International Remittance gamit ang iyong PalawanPay app.
1. Mula sa iyong PalawanPay dashboard, pillin ang 'Claim Remittance' sa main services.
2. Sa susunod na page, piliin ang remittance partner ng padala. Maaaring ito ay mula sa Ria, Remitly, JRF, UniTeller, atbp.
3. I-enter ang iyong claim code.
** Kadalasang ang claim code ay ipinapadala sa receiver via text message mula sa remittance partner. Maaari ring ito ay direktang ibigay ng nagpadala sa kanyang pinadalhan.
** Kung ang claim code na ini-enter ay mali o invalid, magdi-display sa itong screen ang isa sa mga prompt na ito: 'Invalid Claim Code', 'Check Input', o 'Transaction Already Claimed'.
4. After clicking 'Next', kasama mo sa paghihintay si Benjie habang vina-validate ng system ang claim code.
5. I-fill out lamang ang required information sa field details. Depende sa remittance partner kung ano ang kanilang required information.
6. Sa 'Review Claim Remittance' page makikita ang lahat ng information na iyong ini-input. Siguraduhing tama ang mga ito.
7. Pagkatapos i-confirm, kailangan mong i-authorize ang transaction gamit ang iyong QPIN o biometrics.
8. Ang susunod mong makikita ay ang 'Verification in Progress' page.
9. Ang remittance amount ay direktang make-credit sa main wallet ng iyong PalawanPay account.
10. Ang transaction ng pag-claim ay magre-reflect sa transaction history ng iyong PalawanPay account.
11. Makaka-receive ka rin ng in-app,push at SMS notifications para sa successful crediting.
12. Kung sakali mang ang transaction ay hindi successful, makare-receive ka pa rin ng notifications upang ipaalam sa iyo na nag-fail ang transaction.