In case na nais mong mag-request ng refund, pwedeng i-request ito directly sa store o merchant kung saan ka nagbayad para sa kanilang refund policy. Kung pinapayagan nila ang refund, maaari silang mag-report sa kanilang mga dedicated support channels.
Pwede rin mag-submit ng ticket sa PalawanPay Customer Support at babalikan ka ng isa sa aming mga representatives sa loob ng 24 business hours. Ilagay ang mga sumusunod na detalye:
- Sender Name:
- Sender Mobile Number:
- Date of Transaction:
- Amount Sent:
- Reference ID (from your SMS notification):
- Screenshot of Transaction/s (Optional):
Paalala: Ang refund ay maaaring abutin ng ilang araw at subject pa rin ito sa approval ng merchant at refund policy nila.