Ang cash out feature ay pwede lamang magamit ng isang verified user. Maaari mong i-check ang topic na How do I get FULLY VERIFIED? upang malaman kung paano i-verify ang iyong PalawanPay account.
I-check din na hindi pa lagpas ang iyong transactions sa naka-set na daily o monthly limit. May mga bangko rin na may withdrawal limit kaya’t dapat siguraduhin na ang amount na i-wiwithdraw ay pasok sa limit.
Maaaring makatulong ang article na ito sa 'yo: KYC Account Limits
Kung ikaw ay nag-Cash out sa isa sa mga PalawanPay Cash Out Partners, ang tangi lamang makakapag-cash out ay ang may-ari ng PalawanPay account. Ang aming mga Cash Out Partners ay hindi tatanggap ng proxies para sa pag-cash out para sa proteksyon at seguridad ng PalawanPay user.
Posible rin na ang isang Cash Out Partner ay walang sapat na available cash para ma-cover ang iyong transaction. Pwede rin puntahan ang ibang Cash Out Partners para makapag-cash out.
Maaaring mag-refer sa link na ito upang i-check ang pinakamalapit na Cashout partners:
Palawan Express Pera Padala Branch Finder