Nagpadala sa ibang banks o e-wallet ngunit hindi ito natanggap?
Naiintindihan namin na ang iyong mga transaction ay mahalagang mai-proseso agad ngunit may mga pagkakataong ang isang InstaPay Send Money o Cash-Out ay maapektuhan ng isang bank validation process. Ang prosesong ito ay maaaring umabot ng 1-2 banking days (weekend and holidays not included).
Huwag kang mag-alala, Suki! Siguradong safe at secure ang iyong padala.
Ang iyong funds na na-hold ay maaaring maibalik sa iyong PalawanPay Account o tuluyang maita-transfer sa receiver account kaya't siguruhing ma-monitor ang parehas na accounts.