Maraming paraan kung paano ka makakapag-Cash out sa PalawanPay tulad ng Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala branch o Palawan Express Authorized Agent, o sa mga PalawanPay Cash Out Partners.
OVER THE COUNTER
1. Buksan at mag-log in sa iyong PalawanPay App.
2. Pinduting ang "Cash Out".
3. Piliin ang "Palawan Express Pera Padala Branches" o "Cash Out Partners" at sundin ang mga instruction kung paano mag-cash out:
- Pumunta sa malapit na branch ng napiling PalawanPay Authorized Agent/Partners
- Kumpletuhin ang cash out form.
- Ibigay ang form sa cashier at ipakita ang valid ID para sa verification.
- Hintayin ang verification code na ipapadala sa iyong registered mobile number sa PalawanPay, at ibigay ang code sa cashier.
-Hintayin ang confirmation text at i-receive ang cash mula sa cashier.
Paalala: Siguraduhin na laging may dalang valid ID for security and validation purposes pag nag-cash out over-the-counter. Hindi rin natin inaallow ang third-party cash out for security reasons.
via INSTAPAY to OTHER BANKS/E-WALLETS
1. Sa App homepage, i-click ang “Cash Out”
2. Piliin ang “Via Banks and E-wallet” sa Cash Out page
3. Hanapin ang bank o e-wallet na nais mong pagpadalahan ng pera at pindutin ito.
Note: Maaari mo ding i-save ang account na nais mong pagpadalahan upang mas maging madali pa ang pagpapadala mo dito sa susunod
4. I-fill out ang Cash out form at pindutin ang “Next”.
5. Siguruhing tama ang lahat ng detalye sa Confirmation Page at i-click ang “Confirm”.
Note: Maaari mong gamiting ang iyong PalawanPay Points upang bayadan ang fee para dito
6. Ilagay sa susunod na Verification Screen ang One-Time Code na iyong matatanggap sa iyong mobile number via text message
7. Competed na ang iyong Cash-Out Request via Instapay!