REGISTRATION & RACE KIT CLAIMING |
May on-site registration ba sa race day?
Wala. Please follow our official channels para sa updates at registration announcements.
Na-miss ko ang race kit claiming schedule ko. Pwede ko pa bang i-claim sa race day?
Hindi na. Para maiwasan ang delays sa race day, hinihikayat ang lahat ng participants na kunin ang kanilang race kits sa itinakdang claiming period.
Pwede ko bang palitan ang race category ko pagkatapos mag-register?
Hindi na. Ang registration ay non-transferable at non-refundable, kaya hindi rin pinapayagan ang pagpalit ng race category.
Paano kung hindi na ako makakasali pagkatapos mag-register?
Pwede kang mag-withdraw, pero hindi na mare-refund ang registration fee at hindi rin maaaring ilipat ang slot sa ibang participant.
Pwede ko bang i-update ang registration details ko?
Oo, para sa typographical errors, contact details, at address changes lamang. Maaari kang magtungo sa On-Site Registration Area para humingi ng assistance.
RACE CATEGORIES |
Ano-anong race categories ang available?
📍 Manila – UP Diliman
• 16KM
• 10KM
• 5KM
• 3KM
• 1KM (Dog Run)
PAYMENT OPTIONS |
Paano ako makakapagbayad ng registration fee?
Available ang mga sumusunod na payment methods:
• Bank Transfer (Online)
• Credit Card (Online)
• PalawanPay and other e-wallets (Online)
Secure ba ang online registration system?
Oo. Gumagamit ito ng security system na sumusunod sa banking industry standards sa Pilipinas.
Note: Kapag pinili ang race kit delivery, may additional processing, web administration, at delivery fees.
THE PHYSICAL RACE |
Saan ang starting line?
Ia-announce pa ang official starting line at race route. Abangan ang updates sa aming official channels.
May baggage deposit area ba?
Oo. Magkakaroon ng baggage tents para sa bawat race category.
Inirerekomenda naming dumating nang maaga upang maiwasan ang mahabang pila.
Reminder: Hindi mananagot ang organizers sa anumang mawawala o masisirang gamit. Iwasang mag-iwan ng mahahalagang bagay sa iyong bag.
Ano ang gagawin kung ma-injure ako habang tumatakbo?
May mga medical at first aid stations na nakapuwesto sa iba't ibang bahagi ng race route.
Maaari ka ring lumapit sa route marshals o paramedics para sa agarang tulong.
RACE ROUTE |
May cut-off time ba para makapagsimula ng race?
Oo. Kailangan makapagsimula ang lahat ng participants within 15 minutes mula sa official gun start ng kanilang category.
Hindi na papayagang magsimula ang mga latecomers.
Ano ang mangyayari kung hindi ko matapos ang race bago mag-7:00 AM?
Magsisimulang mag-sweep ng route ang ambulance pagsapit ng 7:00 AM.
Ang mga participants na nasa ruta pa ay susunduin at ihahatid sa finish line, ngunit hindi na sila isasama sa official race results.
FINISHER ENTITLEMENTS |
Ano ang matatanggap ko pagkatapos kong matapos ang race?
✅ Hydration
✅ Finisher's Loot Bag na may sponsor goodies
✅ Finisher's Medal
✅ Finisher's Shirt (para sa 16KM finishers lamang)
PARTICIPANT CONCERNS |
Pwede pa rin ba akong sumali kahit hindi kasya ang race singlet ko?
Oo. Ang race bib o race number ang official entry mo sa event.
Pwede bang magpalit ng singlet size?
Maaaring mag-request ng singlet size exchange sa race day, depende sa availability ng stock.
Anong hydration ang available sa race?
Magkakaroon ng water stations sa iba't ibang bahagi ng race route.
Pwede bang maglakad (walk) habang nasa race?
Oo. Kung magwa-walk ka, pakigamit ang kanang bahagi ng ruta upang makadaan nang maayos ang mga mas mabilis na runners.
Pinapayagan ba ang wheelchairs, bikes, skates, o strollers?
Hindi. Tanging official event vehicles lamang ang pinapayagan sa race course.
SUPPORTERS |
Pwede bang sumama at manood ang pamilya at mga kaibigan ko?
Oo! Welcome silang sumuporta at mag-cheer sa race route.
Pakiusap lamang na manatili sila sa mga designated spectator areas at huwag harangan ang race path.
RACE AWARDS |
Kailan at saan gaganapin ang awarding ceremony?
Ang Awarding Ceremony ay gaganapin sa race day sa main stage pagkatapos ng race.
TRANSPORTATION & PARKING |
Paano ako makakapunta sa race site?
Ang event ay gaganapin sa UP Diliman. Maaari kang pumunta gamit ang:
• Taxi / Cab
• Grab, Angkas, JoyRide, at iba pang ride-hailing services
• Bus o iba pang public transportation
Magkakaroon ba ng road closures?
Oo. May ilang bahagi ng race route na pansamantalang isasara sa trapiko.
Abangan ang official social media pages para sa road closure schedules at traffic advisories.
May parking ba sa venue?
TBA (To Be Announced). Abangan ang official announcements para sa parking details.
Para sa mga bike owners, inirerekomendang magdala ng sariling lock. Ang venue o organizers ay hindi mananagot sa anumang nawawala o nanakaw na bisikleta.
CHANGING AREAS & PORTALETS |
May changing area at restroom ba sa venue?
Oo. Magkakaroon ng changing areas at portalets sa loob ng activity zone para sa mga participants.
OTHER INQUIRIES |
Saan ako pwedeng magtanong kung may iba pa akong concerns?
Para sa iba pang inquiries, concerns, o feedback, maaari kang mag-email sa:
📧 info@runrio.com