SAFETY
Para sa kaligtasan ng lahat, please follow the instructions ng event officials, staff, at volunteers throughout the event.
Hindi pinapayagan ang skates, strollers, bicycles, o anumang may gulong na kagamitan maliban kung may prior approval mula sa organizers. Bawal din ang costumes na nakatakip sa mukha o masyadong malaki na lumalampas sa normal na body size ng participant.
Kung magkaroon ng masamang panahon o anumang sitwasyon na maaaring magdulot ng panganib, may karapatan ang RUNRIO na i-modify, i-delay, i-cancel, o i-suspend ang event. Kung i-instruct ka ng event officials, medical team, o authorities na huminto o umatras sa race, kailangan itong sundin agad para sa iyong kaligtasan.
SPORTSMANSHIP
Inaasahan na ang lahat ng participants ay magiging magalang at sportsmanlike sa kapwa runners, volunteers, spectators, at event staff.
Anumang offensive, aggressive, o disruptive na asal ay maaaring magresulta sa disqualification at pagpapaalis sa venue.
Kung may concern o protest tungkol sa race results, maaari itong isumite within one (1) hour matapos i-post ang official results. Ang protest ay dapat nakasulat at ibigay sa event officials o i-email sa info@runrio.com kasama ang ₱5,000 protest fee. Hindi tatanggapin ang verbal protests.
REGISTRATION
Siguraduhing tama at kumpleto ang lahat ng impormasyong ilalagay sa registration form, kabilang ang iyong age, gender, at emergency contact details.
Mas mainam kung ang ilalagay na emergency contact ay isang kapamilya na pinakamalapit sa race venue.
Kapag nagsimula na ang event, hindi na maaaring baguhin ang registration details. First-come, first-served basis ang registration, at lahat ng registration fees ay non-refundable, non-transferable, at hindi maaaring gamitin sa future events.
AGE REQUIREMENTS
• 21K – 18 years old and above
• 16K – 16 years old and above
• 10K – 16 years old and above
• 5K – 13 years old and above
• 3K – 5 years old and above
Para sa mga participants na below 18 years old, kinakailangan ang consent ng magulang o legal guardian at sila rin ang pipirma sa registration form.
RACE BIB
Dapat suot at malinaw na nakikita ang official race bib sa harap ng iyong damit sa buong duration ng race. Hindi pinapayagan ang pagtakbo nang walang race bib.
May timing chip ang likod ng bib, kaya iwasang tupiin, lukutin, o takpan ito ng belt, jacket, water bottle, o anumang bagay para masigurong tama ang race timing.
Paki-fill out nang kumpleto ang likod ng bib, kasama ang emergency contact number ng isang kapamilyang nasa Manila.
Kapag nawala ang race bib, kailangan muling mag-register. Hindi maaaring ipahiram, ibenta, o ilipat sa ibang tao ang race bib. Ang sinumang mahuling gumagamit o nagpapagamit ng bib ng iba ay madi-disqualify at maaaring hindi na payagang sumali sa mga susunod na RUNRIO events.
RACE START
Siguraduhing nasa tamang starting corral ka bago ang iyong scheduled start time.
Bawal umakyat sa barricades o pumasok sa maling corral. Kapag sarado na ang iyong assigned corral, kailangan mong lumipat sa susunod na available corral.
Ang mga participant na hindi makakapagsimula within 15 minutes mula sa kanilang official flag-off time ay madi-disqualify at hindi makakakuha ng official race result.
TIMING
Ang official finish time ay ire-record gamit ang chip timing system, mula sa pagtawid mo sa start line hanggang sa finish line.
Gayunpaman, para sa ranking ng top finishers at winners, gun time ang gagamitin (oras mula sa official start signal hanggang sa finish).
RACE COURSE
Ang race course ay officially measured at certified ayon sa RUNRIO standards.
Dapat manatili ang lahat ng participants sa official race route. Ang paglabas sa designated course ay maaaring magresulta sa disqualification.
Kapag umalis ka sa race course, hindi ka na maaaring bumalik para ipagpatuloy ang race, kumuha ng finisher entitlements, o mag-pace ng ibang runners.
Hindi rin pinapayagan ang unofficial pacers o mga hindi rehistradong participants. Ang pagtanggap ng assistance mula sa ibang tao maliban sa official medical personnel ay maaari ring maging dahilan ng disqualification.
FINISH LINE
Para sa safety at traffic management, magsasara ang race course ayon sa itinakdang cut-off times.
Tanging mga officially registered participants na matagumpay na makakatapos ng kanilang race category ang makakatanggap ng finisher entitlements.
PROHIBITED ITEMS
Hindi pinapayagan ang mga sumusunod sa race at event venue:
• Anumang uri ng armas (baril, kutsilyo, mace, atbp.)
• Matutulis o mapanganib na kagamitan (martilyo, lagari, tools, atbp.)
• Flammable, explosive, o toxic materials
• Malalaking package, coolers, o tents
• Sleeping bags, blankets, at comforters
• Alcoholic beverages at illegal substances
• Drones at anumang unmanned flying devices
• Opaque o non-transparent plastic bags (clear bags lamang ang pinapayagan)
• Mga lalagyan ng liquid na higit sa 1 litro
• Strollers, suitcases, at rolling bags
• Costumes na nakatakip sa mukha o lumalampas sa normal na body size
• Selfie sticks at camera rigs na hindi direktang nakakabit sa ulo o katawan
RULE CHANGES
May karapatan ang race organizers na baguhin o i-update ang anumang event rules at details kung kinakailangan para sa maayos at ligtas na pagpapatakbo ng event.
Lahat ng desisyon ng organizers ay final.