Para mas mapabuti ang inyong experience at mapanatiling secure ang inyong account, required na ang iOS 15 or higher para magamit ang PalawanPay starting April 16, 2026. Kung ang inyong device ay naka-iOS 14 or lower, hindi na po ito supported ng aming latest update.
Ano ang kailangan gawin?
Para patuloy na magamit ang PalawanPay, maaring gawin ang mga sumusunod:
- I-update ang inyong device sa iOS 15+. Pumunta sa: Settings > General > Software Update.
- Gumamit ng ibang device na supported ang iOS 15 or higher.
Bakit kailangan ang update na ito?
Ang update na ito ay ginawa upang:
- Mas maprotektahan ang inyong account (enhanced security).
- Mas mapabilis at maging stable ang app performance.
- Mabigyan kayo ng access sa latest features ng PalawanPay.
Mga Paalala:
- Hindi na magagamit ang PalawanPay app sa iOS 14 and below starting April 16, 2026.
- Mananatiling active ang inyong account kahit hindi ma-access ang app.
- Libre ang iOS update (Wi-Fi recommended).