Importanteng mapanatiling secured ang iyong PalawanPay account. Maaaring sundin ang mga sumusunod:
- Laging siguraduhin na updated sa latest version ang iyong PalawanPay app.
- Tulad ng PIN ng iyong bank card, siguraduhin na kabisado mo ang iyong QPIN. Kung may higit isang account, mas mainam na iba’t-iba ang QPIN kada account. Siguraduhin din na, tulad ng iyong QPIN, hindi ibabahagi sa iba ang iyong mga One-Time Password (OTP). Iwasan ibahagi kahit kanino ang iyong MPIN para maiwasan na ma-kompromiso ang iyong account.
- Isang mahalagang paalala na hinding-hindi hihingin ng kahit sino mang PalawanPay representative ang iyong QPIN. Ipaalam agad sa amin sa contact number o kaya mag submit ng ticket sa aming chat support o email address.
- Lagi maging mapagmatyag sa iyong paligid.
- Kung bubuksan ang iyong PalawanPay app, required ilagay ang QPIN bago ma-access ang iyong account. Pag bukas ng app, ang iyong account balance ang unang makikita. Laging ingatan ang iyong mobile device at maging mapagbantay sa iyong paligig pag naglalagay at tumitingin ng sensitibong impormasyon sa iyong PalawanPay app.
- Wag basta-basta magtitiwala lalo na’t talamak ang panlilinlang online.
- Kung may transaction tulad ng pagbili ng gamit o iba pang bagay at hinihinalang hindi katiwa-tiwala ang iyong kausap, maging maingat at iwasan nang makipag-transact. Makipag-transact lamang sa mga pinagkakatiwalaang mga sellers.