ANO ANG PAY&GO?
Ang Pay&Go ay isang self-service kiosk na tumatanggap ng cash para sa mobile top-up at e-Money cash-in, tulad ng PalawanPay.
ANO ANG ADVANTAGES NG PAY&GO?
Ang Pay&Go kiosks, depende sa operating hours ng venue partner, ay available 24/7.
Ang kiosks ay may user-friendly features na madaling maunawaan ng mga customers upang mabilis na magawa ang kanilang transactions tulad ng pag-cash-in sa kanilang PalawanPay wallet.
PAANO GAMITIN ANG PAY&GO?
Para sa kumpletong steps, sundin lamang ang link na ito:
Paano mag-Top Up ng PalawanPay Wallet via Pay&Go Kiosk?
MAY SERVICE FEE BA KAPAG NAG-CASH-IN AKO GAMIT ANG PAY&GO?
Ang Pay&Go ay nagcha-charge ng 1% ng kabuuang halaga ng iyong ika-cash-in sa iyong PalawanPay wallet. Ang charge na ito ay ayon sa Pay&Go.
Halimbawa: Ang P100.00 cash-in ay may charge na P1.00. Ang halagang matatanggap mo sa iyong PalawanPay wallet ay P99.00.
ANONG DENOMINATION ANG TINATANGGAP NG KIOSK?
Ang Pay&Go kiosk ay tumatanggap ng 20, 50, 100, 500, and 1000 Philippine peso bills.
KUNG MALING ACCOUNT NUMBER ANG NAPADALHAN KO, MABABAWI KO PA BA ITO?
Bago mag-proceed sa cash-in, laging suguraduhin na tama ang lahat ng details. Kung mapansin mong mali ang iyong napadalhang account number pagkatapos ng transaksyon, tumawag agad sa Customer Care hotline ng Pay&Go na makikita sa transaction receipt.
Maaari mo din silang ma-contact sa kanilang Facebook page.
Ang pagbabalik ng perang naipadala ay iimbestigahan ay iimbestigahan ng Pay&Go. Ang proseso ay tumatagal ng 2-3 weeks.
PAANO KO MAKO-CONTACT ANG PAY&GO?
Maaari silang tawagan sa numerong nasa transaction receipt o through their Facebook page: Pay&Go PH