Marami nang paraan upang mag-cash in sa iyong PalawanPay account, Suki!
Isa sa mga ito ay ang eTap machines. Narito ang ilang kasagutan sa mga katanungang mayroon ka.
PAANO MAG-CASH IN GAMIT ANG eTAP KIOSKS?
- Pillin ang “Top Up” sa screen ng eTap kiosk.
- Piliin ang PalawanPay at ilagay ang mga hinihinging impormasyon.
Siguraduhing tama ang lahat ng inilagay na impormasyon bago magpatuloy. - Piliin ang payment method sa pag-cash in at muling i-check ang details bago kumpletuhin ang transaction.
Hintayin ang confirmation screen upang masiguro na successful ang transaction.
MAY SERVICE FEE BA KAPAG NAG-CASH-IN AKO GAMIT ANG eTAP?
Ang eTap ay nagcha-charge ng 1% ng kabuuang halaga ng iyong ika-cash-in sa iyong PalawanPay wallet.
Ang charge na ito ay ayon sa eTap.
Halimbawa: Ang P100.00 cash-in ay may charge na P1.00. Ang halagang matatanggap mo sa iyong PalawanPay wallet ay P99.00.
MAAARI BANG MAG-CASH OUT GAMIT ANG eTAP KIOSKS?
Sa ngayon ay hindi pa.
SAAN ANG PINAKAMALAPIT NA eTAP KIOSK SA AKIN?
Upang malaman ang pinakamalapit na eTap kiosk sa iyo, gamitin ang eTap Kiosk Locator na ito:
🏦eTap Kiosk Locator
Note: Ito ay magbubukas ng panibagong site for eTap.
ANG AKING TRANSACTION AY HINDI NAG-REFLECT SA AKING PALAWANPAY.
ANO ANG DAPAT KONG GAWIN?
Maaaring mag-send ng message sa Facebook pages (eTap and eTap Cares) ng eTap.
Pwede ding direktang makipag-ugnayan sa kanila:
💌 EMAIL: etapsolchd@etapinc.com
🖥 FRESHDESK: eTap Sol Customer Care