Bahagi ng kultura nating mga Pilipino ang pagpapabatid sa ating mga kaibigan at mga mahal sa buhay na pinahahalagahan natin sila.
Katuwang mo ang PalawanPay sa hangaring maihatid ang mensaheng ito sa malikhaing paraan.
Sa pamamagitan ng 'Send Gifts' feature ng iyong PalawanPay app, maaaring magpadala mula sa iyong wallet sa anumang okasyon o sitwasyon.
Paano magpadala gamit ang 'Send Gifts'?
- Mula sa dashboard ng iyong PalawanPay home screen, piliin ang Send Money.
- Bibigyan ka ng mga pagpipilian at isa sa mga ito ay ang Send Gifts option. I-click lamang ito.
- Upang mas mapadali ang pagpapadala, maaaring mag-send sa multiple accounts. Mag-add lamang ng up to 10 receivers sa susunod na screen.
- Sa susunod na screen, pumili ng isang card na akma sa mensaheng gusto mong ipadala.
- Maaari ka ding magdagdag ng maikling personal na mensahe sa taong padadalhan. Maximum of 150 characters.
- Click 'Send'.
- Ang iyong pinadalhan ay makaka-receive ng notification sa kanyang app.
- Maaari mo ding makita ang lahat ng Gifts na ipinadala sa iyo by clicking on your profile and selecting 'My Gifts'.
Sa mga simpleng paraang tulad nito ay patuloy nating maipadarama sa iba ang ating pagpapahalaga.
Keep on using your PalawanPay app, Suki!