Ang Send Money using PalawanPay ay isa sa mga features ng app na nagbibigay ng mas mabilis at na pagpapadala ng pera. Nais naming makatulong na mas maging ligtas para sa 'yo ang bawat Send Money transaction mo, Suki!
Narito ang ilang paalala upang mas maging madali, mas ligtas at mas kampante ang paggamit ng PalawanPay Send Money:
- Ugaliing basahin at siguraduhing tama ang lahat ng detalye bago i-submit o i-confirm ang transfer.
- Mas mabuting manghingi ng QR code ng padadalhang account. Mas ligtas ito at mas makasisiguro na sa tamang account mapupunta ang funds transfer.
- Gawing regular ang pag-check ng iyong transaction history. Makikita mo dito ang lahat ng transactions ng iyong PalawanPay account sa nakalipas na 15 araw. Sa ganitong paraan mas madali mong matutukoy kung may mga transactions na hindi awtorisado.
- Maging aktibo sa pagche-check ng ating ongoing promotions sa lahat ng uri ng transactions using your PalawanPay account. Check out our ongoing promos by clicking this link: PalawanPay Ongoing Promos
Ating tandaan na ang mga successful transactions ay hindi maaaring i-reverse ng PalawanPay.
Laging maging maingat at alerto sa pagpo-proseso ng Send Money transactions.
Maraming salamat, Suki!