Kung hindi magamit ang Buy Load service ng iyong PalawanPay app, i-check ang mga sumusunod:
- I-double check na ang mobile number na iyong pinapaloadan ay tama at active.
- Siguraduhin na ang PalawanPay account balance ay sapat para ma-cover ang load amount at transaction fees (kung applicable).
- Siguraduhin na pasok sa limit ng wallet ang transaction na ginagawa.
- Siguraduhin na maayos ang iyong internet connection.
- Kung hindi updated ang iyong PalawanPay app, i-update muna ito at subukang muli ang iyong Buy Load transaction.