Narito ang mga steps kung paano ka makapag-apply ng iyong Tala loan sa PalawanPay, Suki.
1. Buksan ang PalawanPay app at i-tap ang Loans.
2. Siguraduhing Verified ang iyong account. Kung hindi pa verified, kailangan mo munang mag-upgrade.
3. Basahin ang onboarding screens at i-tap ang Check Loans.
4. Piliin ang Tala banner at i-tap ang Apply for Loan.
5. Basahin at i-accept ang Terms & Conditions at Privacy Policy, pagkatapos ay i-tap ang Agree and Continue.
6. Hintayin ang processing ng application. Ang data ay pinoproseso simula 4:00 AM ng susunod na araw.
7. Kapag may available nang offer, bumalik sa Tala Loan page at i-tap ang Borrow Now.
8. Piliin ang iyong loan amount at repayment term, pagkatapos ay i-tap ang Continue.
9. I-review ang loan details at i-confirm ang application.
10. Kapag approved, direktang maki-credit ang loan sa iyong PalawanPay Wallet.
11. Makakatanggap ka ng notification via In-App Notification, Push Notification, SMS, o Email kapag na-credit na ang loan.
12. Maaari mo rin i-check ang Transaction History para makita ang detalye ng iyong loan credit.
Para sa karagdagang katanungan at impormasyon tungkol sa Tala Loan, maaari lamang bisitahin ang TALA FAQs.