ANO ANG TALA?
Ang Tala ay isang digital lending service na nag-aalok ng personal loans sa mga qualified users. Maaari nang ma-access ang Tala Loan sa pamamagitan ng PalawanPay app para sa loan application, loan offers, at loan payments.
SINO ANG PWEDE MAG-APPLY NG TALA LOAN SA PALAWANPAY?
Only Verified PalawanPay users ang pwedeng mag-apply ng Tala Loan. Kung hindi pa verified ang account mo, may lalabas na prompt para i-upgrade ito bago ka makapagpatuloy.
BAKIT KO KAILANGAN I-UPGRADE ANG PALAWANPAY ACCOUNT KO?
Ang loan application ay naka-base sa wallet limits ng iyong PalawanPay account.
Kung mas mababa ang wallet limit mo sa maximum loan amount na ₱25,000, kakailanganin mong i-upgrade ang account mo para makapag-avail ng mas mataas na wallet limit.
KAILANGAN KO BA TALAGA I-AGREE ANG TERMS & CONDITIONS AT PRIVACY POLICY?
Oo. I-click ang"Agree and Continue" upang tanggapin ang Terms & Conditions at Privacy Policy at makapagpatuloy sa application.
BAKIT KAILANGAN ANG CONSENT FOR DATA SHARING?
Kailangan ito ng Tala upang ma-review ang iyong eligibility at makapagbigay ng loan offer. Kung walang consent, hindi makakagawa ng loan offer para sa iyo.
BAKIT WALA PA AKONG NAKIKITANG LOAN OFFER PAGKATAPOS MAGBIGAY NG CONSENT?
Normal ito para sa first-time users. Ang data ay pinoproseso simula 4:00 AM ng susunod na araw pagkatapos mong magbigay ng consent. Balikan ang Tala Loan page kinabukasan upang tingnan kung available na ang iyong loan offer.
SAAN MACRE-CREDIT ANG ANG LOAN AMOUNT KO?
Diretso itong macre-credit sa iyong PalawanPay wallet. Kapag na-claim mo na ang loan mo, i-tap lang ang "Go to Wallet" para makita kung pumasok na ang amount.
MAKAKATANGGAP BA AKO NG NOTIFICATION KAPAG NA-CREDIT NA ANG LOAN?
Oo. Makakatanggap ka ng notification via In-App Notification, Push Notification, SMS, o Email.
PWEDE KO BA PILIIN ANG LOAN AMOUNT AT REPAYMENT TERM?
Oo. Maaari mong piliin ang iyong loan amount at repayment term, at automatic na mag-a-update ang total payable amount at payment breakdown.
PAANO AKO MAG BABAYAD NG TALA LOAN SA PALAWANPAY?
Buksan ang Tala Loan sa PalawanPay, i-tap ang View Credit Details at Make Payment upang ma-direct sa Tala Bills Payment form. Lalabas ang iyong Reference Number at payment details. Kasama na sa displayed amount ang applicable ECPAY fees.
PAANO KUNG UNAVAILABLE ANG TALA BILLER SA PALAWANPAY?
Kung pansamantalang unavailable ang Tala biller, makikita mo pa rin sa PalawanPay app ang iyong Reference Number at payable amount, na magpa-pop up sa screen para sa iyong reference upang makabayad sa other payment partner.
PAANO KO MALALAMAN KUNG SUCCESSFUL ANG PAYMENT KO?
Makakatanggap ka ng confirmation notification kapag successful ang payment. Makikita mo rin ang payment transaction at details sa Transaction History.
Makakatanggap ka ng confirmation notification kapag successful ang payment. Makikita mo rin ang payment transaction at details sa Transaction History.
KAILANGAN BA MAG-FULL PAYMENT BAGO MAKAPAG-RELOAN?
Oo. Kailangang ma-full payment muna ang iyong kasalukuyang loan bago ka makapag-reloan. Pagkatapos nito, i-refresh ang iyong account para makita kung may available na bagong loan offer.