PAANO AKO MAKAKA-EARN NG REWARD POINTS GAMIT ANG AKING PALAWANPAY VISA CARD?
Sa bawat successful transaction gamit ang iyong PalawanPay VISA Card, automatic kang makaka-earn ng PalawanPay Points. Ang points na makukuha mo ay nakabase sa total amount ng transaction mo.
PAANO ANG COMPUTATION NG POINTS?
Ang computation ay:
Total Transaction Amount × 0.0002 = PalawanPay Points
Halimbawa:
Kung gumastos ka ng ₱5,000 gamit ang iyong PalawanPay VISA Card:
₱5,000 × 0.0002 = 1 PalawanPay Point
BAKIT HINDI KO AGAD MAGAMIT ANG POINTS KO PAGKATAPOS NG TRANSACTION?
Kapag successful ang transaction mo, ang earned points mo ay dadaan muna sa dalawang status:
• Pending Points
Ito ang points na agad na naka-credit sa account mo pagkatapos ng successful transaction. Hindi pa ito magagamit habang hinihintay ang confirmation ng merchant.
• Active Points
Ito na ang verified points na maaari mo nang gamitin.
PAANO MAGIGING ACTIVE ANG PENDING POINTS KO?
Magiging active ang iyong Pending Points kapag na-confirm at na-settle na ng merchant ang transaction.
GAANO KATAGAL BAGO MAGING ACTIVE ANG POINTS KO?
Karaniwang tumatagal ng 2–3 business days ang merchant confirmation. Kapag na-confirm na ang transaction, automatic na magiging active ang points mo at makakatanggap ka rin ng push notification sa iyong phone.
ANO ANG MANGYAYARI SA POINTS KO KUNG NA-CANCEL, NA-VOID, O NA-DISPUTE ANG TRANSACTION?
Kapag ang transaction ay na-cancel, na-void, o na-dispute ng merchant, ang points na na-earn mula sa transaction na iyon ay mare-reverse o mababawas sa iyong points balance.
MAWAWALA BA ANG PERA KO KAPAG NA-REVERSE ANG POINTS?
Hindi. Huwag mag-alala! Ang reversal ng points ay nangyayari lamang kapag na-reverse din ang mismong transaction. Kapag nangyari ito, ibabawas ang corresponding points, ngunit ang buong halaga ng transaction ay i-rerefund pabalik sa iyong PalawanPay Wallet.