ANO ANG PALASAVE?
Ang PalaSave ay ang bagong account savings feature ng PalawanPay app, Sa pakikipagtulungan ng RCBC DiskarTech -- ang unang Taglish digital savings bank sa bansa.
Sa PalaSave, pwede kang magbukas ng savings account, mag-deposit at mag-withdraw ng pera, mag-ipon ng pera at mag-earn ng interest, at mag-transfer ng pera sa iyong PalawanPay account para magbayad ng bills, bumili ng load at lahat ng services na ino-offer ng PalawanPay!
PWEDE BA AKO DIYAN?
As long as pasok ka sa mga criteria na ito, pwede kang gumamit ng PalawanPay Savings!
* 18 years old and above
* Filipino
* No existing RCBC Diskartech Account inside and outside PalawanPay App
* PalawanPay Account Level 2 (Verified)
ANO ANG MGA IDs NA PWEDE KONG I-SUBMIT?
Narito ang ACCEPTABLE ID LIST
🪪Passport
🪪Driver’s License
🪪Unified Multi Purpose ID
🪪Postal ID (Issued 2016 onwards)
🪪Professional Regulations Commission (PRC) ID
🪪National Bureau of Investigation (NBI) Clearance
🪪National PhilSys ID
Reminder lamang, Suki, make sure na ang iyong submitted valid ID ay dapat clear, hindi expired at match ang details sa iyong PalawanPay account.
MAY MINIMUM DEPOSIT BA 'YAN? BAKA NAMAN HINDI KO AFFORD.
Relax ka lang. Hindi kailangang maglagay agad ng pera sa account mo – pero pwede rin kung gusto mo.
Zero initial deposit ito! Hindi rin kailangang mag-iwan ng pera sa account mo. Zero maintaining balance din ito!
MAY INTEREST BA 'YAN?
Oo, ito ay may monthly interest. Ang interest na kikitain mo sa iyong PalaSave mula February 1, 2026 ay 4% p.a. Mas mataas ito kumpara sa standard interest ng ibang mga bangko na kadalasan ay less than 1% p.a. lang!
☝🏼Kung ang balance ng iyong account ay PHP0.00 – PHP 49,955.00, kikita ka ng 4% interest
☝🏼Kung ang balance ng iyong account ay PHP 49,955.01 pataas, hindi na ito magtatamo ng interest dahil ang total ng iyong ipon at interest ay pwede hanggang Php 50,000 lamang.
MAY MAXIMUM DEPOSIT BA 'YAN?
Pwede kang mag-deposit o magcash-in sa iyong PalaSave hanggang Php 48,000.00.
Halimbawa, kung may laman na ang iyong account na Php 47,800.00 at magca-cashin/deposit ng Php300, ang projected BDA ay PHP48,100.
Ang magiging resulta nito ay FAILED.
BANGKO BA ANG PALASAVE?
Ang PalaSave ay powered by RCBC DiskarTech.
Ito ay mga accounts na Basic Deposit Accounts (BDA) ng RCBC.
Dahil diyan, ang pera na nilalagay mo sa DiskarTech ay naka-deposit at pinangagalagaan ng PalawanPay at RCBC.
PWEDE BA AKONG MAG-TRANSFER MULA SA AKING PALASAVE ACCOUNT TO ANOTHER PALASAVE ACCOUNT?
Hindi. Ang maaaring gawin ay i-withdraw ang amount na gusto mong i-transfer mula sa iyong PalaSave account patungo sa iyong PalawanPay wallet. Mula sa iyong main wallet, i-process and Wallet to Wallet transfer papunta sa PalawanPay account ng iyong recipient.
Para sa iba pang mga katanungan, i-check ang mga articles na ito:
🪙 Paano mag-apply ng PalaSave account?
🪙 Paano mag-deposit sa PalaSave?
🪙 Paano mag-withdraw sa PalaSave?
🪙 PalaSave Account Limits and Interest Rates