Ang QPIN ay mahalaga sa mas secure at mas mabilis na pag-login as iyong PalawanPay account. Kung nakalimutan mo ang iyong QPIN, sundin lamang ang mga sumusunod na steps:
- Mula sa login page, i-click ang 'Forgot Quick PIN' option. Matatagpuan ito sa ibabang bahagi ng iyong screen.
- Ilagay ang iyong registered PalawanPay mobile number.
- Makatatanggap ka ng One-Time Password o OTP sa iyong mobile number.
- Mag-nominate ng 4-digit QPIN. Hindi mo na maaaring i-nominate ang combination of numbers na nagamit mo na bilang QPIN. Iwasang mag-nominate ng QPIN na madaling mahulaan tulad ng iyong birthdate, o inuulit na numbers.
- I-reenter ang bago mong QPIN to confirm.
- May popup message na magko-confirm kapag napalitan mo na ang iyong QPIN successfully.