ANO ANG RENEWAL VIA PALAWANPAY?
Ang Pawn Renewal via PalawanPay App ang pinakabagong Sangla Renewal Service ng Palawan Pawnshop. Ito ay isa pang paraan para makapagrenew ang mga Palawan Sangla Suki ng kanilang mga existing at active pawn items kahit kailan at kahit nasaan ka man sa Pilipinas.
PWEDE KO BANG I-RENEW ANG AKING PAWN NA MAY PAST DUE O KAYA LIPAS NA ANG EXPIRY DATE?
OO. Lahat ng existing at active items na naka-sangla sa kahit saang Palawan Pawnshop branch nationwide ay pwedeng i-renew gamit ang PalawanPay app.
ILANG PAWN TICKETS ANG MAAARI KONG BAYARAN?
Walang limit sa pawn tickets na maaring i-renew sa PalawanPay. Tandaan, isang pawn ticket lamang kada transaction sa PalawanPay Pawn Renewal.
PAANO KO IRE-RENEW ANG PAWN ITEM KO VIA PALAWANPAY APP?
Buksan ang iyong PalawanPay app. Sa iyong PalawanPay Homepage, pindutin ang Pawn Renewal icon. Ilagay ang mga detalye at mag confirm sa agreement na nakalagay bago i-tap ang Renew button.
PWEDE KO BANG I-REDEEM ANG SANGLA KO SA PALAWANPAY APP?
HINDI. Pawn renewal service lamang ang inaalok sa PalawanPay app para sa mga Palawan Pawnshop Sangla Suki.
PAANO KO MALALAMAN ANG AKING LOAN DUE DATE AT LOAN RENEWAL DETAILS?
Ang loan computation details, kabilang ang loan due date at days past due (kung mayroon man), ay makikita sa Renewal Page pag na-proseso na ang initial pawn details na ibinahagi mo.
KAILANGAN KO BA NG PALAWANPAY ACCOUNT PARA GUMAWA O MAG PROCESS NG PAWN RENEWAL GAMIT ANG PALAWANPAY?
Kailangan ng PalawanPay account para makapag-renew sa PalawanPay App. Hangga’t maaari, yung nagsangla dapat ang gumawa ng proseso ng renewal sa sarili niyang PalawanPay account. Kung sakaling walang PalawanPay account ang nagsangla, maaaring makigamit sa PalawanPay account ng malapit na kakilala tulad ng kamag-anak o kaibigan para mag-renew.
ANO ANG MANGYAYARI KUNG GUMAMIT AKO NG PALAWANPAY NG IBANG USER UPANG GAWIN ANG PAWN RENEWAL PAYMENT?
Ang paggamit ng PalawanPay account ng ibang user ay nasa pag-iingat at responsibilidad ng may sangla. Kailangan siguraduhin na ang PalawanPay account holder ay malapit na kakilala dahil magbibigay siya dito ng mga detalyeng nauugnay sa kaniyang pawn renewal. Ang payment status notifications ay ipapadala rin at maa-access lamang ng PalawanPay account holder.
ANONG IMPORMASYON ANG KAILANGAN KONG IBIGAY PAG GUMAWA AKO NG PAWN RENEWAL PAYMENT?
Kung nais mag-online renewal gamit ang PalawanPay app, maaaring ihanda ang mga sumusunod na detalye:
✔ Apelyido ng Palawan Pawn Suki
✔ Pawn Ticket Number
✔ Suki Card Number
MAY KARAGDAGANG FEES BA KAPAG MAGBABAYAD NG PAWN RENEWAL GAMIT ANG PALAWANPAY?
May P20 kada pawn ticket na babayaran sa ibabaw ng renewal amount due.
KAILAN KO PWEDENG BAYARAN ANG ANG AKING PAWN RENEWAL GAMIT ANG PALAWANPAY?
Maaaring magbayad para sa iyong online renewal sa kahit anong oras. Ngunit para sa same-day reflection at transaction ng renewal, ang cut-off ay 4:00 PM.
ANONG MANGYAYARI KUNG GAGAWA AKO NG PAWN RENEWAL VIA PALAWAN PAY MATAPOS ANG CUT-OFF TIME?
Para sa mga pawn renewal transactions mula lagpas 4:00 PM hanggang 11:59PM, ipo-proseso ito sa susunod na business day at wala itong penalty o additional interest. Ang petsa ng loan na ilalabas sa iyong pawn ticket ay ang petsa kung kailan ito binayaran.
GAANO KATAGAL I-PROCESS ANG PAWN RENEWAL TRANSACTIONS KUNG BABAYARAN KO ITO SA PALAWANPAY?
Para sa mga renewal payments sa loob ng cut-off time, mula 12 AM hanggang 4:00 PM, ang renewal ay ipo-proseso sa loob ng araw kung kailan ginawa ang iyong online renewal transaction. Para sa mga renewal payment transactions na gagawin matapos ang cut-off time, ito ay ipo-proseso sa susunod na business day.
PAANO KO MALALAMAN KUNG NATANGGAP NA ANG AKING PAYMENT?
Kapag ikinaltas na ang renewal amount kabilang ang service fee sa iyong PalawanPay account, makakatanggap ang Suki ng SMS notification. Lalabas din ito sa PalawanPay notification ng account holder.
PWEDE KO PA RIN BA I-AVAIL ANG SANGLA INTEREST DISCOUNT PAG AKO AY NAG ONLINE PAWN RENEWAL PAYMENT?
Ang 5% discount sa Sangla Interest ay maaari pa rin i-apply kapag gagawa ng pawn renewal gamit ang iyong PalawanPay app. Kailangan siguraduhin na ang iyong Suki Card Number ay nakalagay sa pawn detail page.
PWEDE KO BANG PALITAN ANG APPLIED INTEREST PACKAGE PARA SA AKING SINANGLA?
HINDI. Ang pagpalit ng Customer Choice Package (CCP) ay hindi applicable sa kahit anong online renewal. Ang original interest rate package ay mananatili maliban sa Bili Sangla Transactions na nire-renew online. Ito ay automatic na nire-renew sa ilalim ng Customer Choice Package No. 3 na may 2.5% monthly, 1 buwan advance.
PWEDE KO BANG I-SCHEDULE ANG AKING PAWN RENEWAL PAYMENT?
HINDI. Sa kasalukuyan, walang option ang Pawn Renewal via PalawanPay na i-schedule ang iyong payments.
PWEDE BA AKONG MAG PARTIAL PAYMENT SA AKING PRINCIPAL LOAN PAG GUMAGAWA NG ONLINE PAWN RENEWAL?
HINDI. Bawas Principal (partial payment) on Principal Loan ay maaari lang gawin in-person sa mismong branch kung saan naka-sangla ang iyong alahas at hindi maaaring gawin sa PalawanPay App.
PAANO KO MALALAMAN KUNG NA-PROSESO ANG AKING PAWN RENEWAL?
Makakatanggap ka ng SMS notification na may New Pawn ticket number at maturity date ng iyong renewed pawn item.
ANO ANG MANGYAYARI KUNG ANG AKING PAWN RENEWAL AY HINDI NAKUMPLETO?
Sinisigurado ng Palawan Pawnshop na ang mga pawn renewal request ay maiproseso sa araw kung kelan ito nabayaran. Subalit kung ang iyong pawn renewal ay hindi maproseso dala ng mga bagay na hindi kontrolado ng Palawan Pawnshop, ang pawn renewal ay maipoproseso sa susunod na araw kung saan bukas na ang ating branch. Ang nag sangla ay maaaring tumawag sa Palawan Pawnshop Palawan Express Pera Padala Customer Care upang i-validate ang transactions at para makapagbigay ng necessary steps patungkol sa pawn renewal.
MAKAKATANGGAP BA AKO NG BAGONG PAWN TICKET PAG NAG RENEW AKO NG SANGLA ONLINE?
OO. Makakatanggap ka ng bagong pawn ticket at ito ay available and ready for pick up sa branch kung saan ka nag process ng pawn renewal.
KAILANGAN KO BANG I-SURRENDER ANG AKING LUMANG PAWN TICKET?
OO. Ang lumang pawn ticket ay dapat i-surrender sa branch bago i-release ang bagong kontrata sa iyong pawn renewal.
NAWALA KO ANG AKING PAWN TICKET! ANO ANG DAPAT KONG GAWIN?
Kung nawala ang iyong pawn ticket, agad i-notify ang branch kung saan naka-sangla ang iyong gamit. Mag-provide rin ng duly accomplished, signed, at notarized Affidavit of Loss (AOL) at photocopy ng valid ID. Maaari rin ipakita ang SMS notification o Pawn Renewal transaction sa PalawanPay app para sa karagdagang validation process.
SAAN AKO PWEDENG TUMUNGO PARA SA KATANUNGAN SA STATUS NG AKING PAWN RENEWAL O PAG MAY PROBLEMA SA AKING PAYMENT?
Para sa mga katanungan at clarifications sa iyong Pawn Renewal status, maaaring i-contact ang Palawan Pawnshop Palawan Express Pera Padala Customer Care sa mga sumusunod na channels:
Para sa tawag: 0919-058-0588
Email: help@palawanpay.com
Website: https://www.palawanpay.com/pawn-renewal/