ANO ANG PALAWANPAY LOYALTY PROGRAM?
Ang PalawanPay Loyalty Program ay isang rewards system ng PalawanPay app. Sa program na ito, magkakaroon ang mga PalawanPay users ng pagkakataon na mag-earn, manage, at redeem ng points sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad sa app.
ANO-ANO ANG MGA “QUALIFIED” ACTIVITIES?
- Cash-In at our branches or authorized agents in excess of Php 10,000
- Cash Out
- Instapay Cash-out
- Remittance (Send to Palawan Express)
- Pay Bills
- Scan to QR
- Pawn Renewal
MAYROON BANG EXPIRY ANG POINTS?
Wala, Suki! Hindi mag-eexpire ang points na iyong natatanggap.
PAANO BA MAGKAROON NG POINTS SA PALAWANPAY?
Ang mga points ay may assigned “valuation” na Php 0.01 kada point.
Ang bawat piso (Php 1.00) ay may katumbas na 100 points.
Ang mga points ay naka-base sa 2% ng total net transaction fee ng bawat user.
ANO ANG MGA “NON-POINT GENERATING” ACTIVITIES?
Ang mga transactions na may promotional rates para sa fees ay hindi makakatanggap ng Loyalty Points.
PAANO MAG-REDEEM NG POINTS?
Ang points redemption option ay magiging available sa review page kung ang transaction na iyong ipino-proseso ay may kaukulang transaction fee.
PAANO KO MALALAMAN KUNG ILAN NA ANG POINTS NA NATANGGAP?
Makikita ang Points Management Page mula sa Home Page ng PalawanPay App.
Maaaring gawin ang mga sumusunod dito:
1. I-view ang points transaction history.
2. I-view ang iyong current points balance.
MAAARI KO BANG IPASA ANG AKING POINTS SA IBANG PALAWANPAY USER?
Hindi maaaring i-send ang iyong points sa ibang user at maaari lamang itong ma-redeem tuwing magpo-proseso ng transaction na may kaukulang transaction fee.
MAYROON BANG MINIMUM REDEMPTION AMOUNT?
Ang minimum redemption amount ay 100 points o Php 1.00.
MAAARI BANG GAMITIN ANG POINTS UPANG IPANG-BAYAD SA PALAWANPAY ACCEPTING MERCHANTS?
Sa ngayon, ang points ay maaari lamang magamit upang ipang-bayad sa PalawanPay transaction fees.
MAAARI BANG MAG EARN NG POINTS KAPAG IKAW AY NAG-PARTIAL REDEMPTION?
Hindi maaring makapag-earn ng points kung ikaw ay gumamit din nito sa paraan ng pag partial redeem.