Excited ka na ba manood ng UAAP Basketball games at suportahan ang UP Basketball Team?
Para hindi ka maligaw sa proseso ng pagbili ng tickets through PalawanPay, inilista namin dito ang mga karaniwang tanong β mula sa pag-order hanggang sa pag-claim ng iyong physical ticket.
Basahin lang nang mabilis, at good to go ka na!
1. Sino ang pwedeng bumili ng tickets?
Ang tickets ay para lang sa mga UP students, faculty, alumni, o staff. Kailangan mong ilagay ang iyong UP ID number bago makabili, at ipapakita mo rin ito (o ibang proof) pag kukuha na ng physical ticket.
2. Paano ako bibili ng ticket?
π Sa iyong PalawanPay app, hanapin ang UP Basketball Tickets.
π Piliin mo lang ang section na gusto mo at ilagay sa cart ang bilang ng tickets (may kasama nang platform fee ang presyo).
π Pagka-review mo sa cart, pindutin ang 'Checkout,' ilagay ang iyong UP ID number, at siguraduhing active ang email mo dahil dito ipapadala ang confirmation.
π Tapos, i-tap ang 'Place Order,' magbayad gamit ang main o sub wallet mo, at i-enter ang iyong QPIN o mag-biometrics.
π Once successful, makakatanggap ka ng confirmation sa email, SMS, push, at in-app notification.
3. Pwede ba akong bumili ng maraming tickets sa isang transaction?
Oo naman! Pwede kang bumili ng kahit anong combination ng tickets, up to 2 per game per account, regardless of section. May mga games din na pwedeng bumili ng higit sa 2 β so watch out for that.
4. Anong payment method ang tinatanggap?
Sa ngayon, sa pamamagitan lang ng iyong PalawanPay wallet makakabayad ng ticket.
5. Digital o physical ba ang matatanggap kong ticket?
Physical ticket lang ang kikilalanin sa event. Kaya siguraduhin mong i-exchange ang confirmation email mo para sa physical ticket bago pumasok.
6. Paano ko kukunin ang physical ticket ko?
Pwede mo nang kunin agad after mong mag-transact sa PalawanPay. Dalhin lang ang confirmation email mo kasama ang valid UP ID sa UP Office for Athletics and Sports Development (OASD, 4F Student Union Bldg.) para makuha ang iyong physical ticket.
7. May refund o cancellation policy ba?
Sayang, wala pong refund o cancellation once nakabili ka na β final na po ang lahat ng sales.
8. Wala akong makitang tickets para sa section na gusto ko, ano ang gagawin ko?
Malamang out-of-stock na ang section na 'yon. Pwede kang pumili ng ibang section, or stay tuned na lang for announcements of possible restocks.
9. May karagdagan pa bang bayad bukod sa presyo ng ticket?
Meron pong PHP 50 platform fee na kasama na sa published ticket price. Ito ay para sa ticketing system at mga kaugnay na transaction fees.
10. Hindi ako nakatanggap ng confirmation email pagkatapos mag-transact, ano ang gagawin ko?
Minsan umaabot ng isang oras bago ma-receive ang confirmation email, kaya i-check mo rin ang spam/junk folder mo. Kung wala pa rin after an hour, i-contact mo na lang ang PalawanPay customer support sa help@palawanpay.com at ibigay ang email address kung saan dapat i-resend ang confirmation.
Reminder: Huwag ibahagi ang confirmation code o email mo kaninuman para maiwasan ang unauthorized na pag-claim ng ticket.
11. May lumabas na 'Payment Failed' error habang nagche-checkout, ano ibig sabihin nito?
Ibig sabihin nito, hindi natuloy ang order mo β maaaring may item sa cart mo na naging out-of-stock. I-refresh mo lang ang mini-app at subukan ulit mag-checkout.
12. Hindi ako maka-checkout kahit hindi ko pa naaabot ang max na bilang ng tickets, bakit kaya?Malamang may floating unpaid orders ka pa. I-try mong mag-checkout ulit 15 minutes after ng huli mong attempt, para may time ang system na i-clear ang mga orders na hindi natuloy.
Need pa ng tulong?
Message mo lang kami sa PalawanPay Customer Careβ nandito lang kami para sa 'yo!