ANO ANG PALAWATCH?
Ang PalaWatch ay ang bagong short-form drama streaming na maaari mong ma-access sa loob mismo ng iyong PalawanPay app!
Ang short-form drama ay isang klase ng storytelling na nagbibigay ng engaging na mga kwento sa condensed format, usually may episodes na umaabot lang ng ilang minuto hanggang sa wala pang 20 minutes bawat isa.
Perfect ito para sa mga modernong audience na naghahanap ng entertainment na pasok sa kanilang busy na schedule o para sa mga gustong mabilisang makuha ang impact ng mga kwento.
Ang "Ang PalaWatch" ay magandang halimbawa nito, nag-aalok ng mga nakakatuwang episodes na madaling ma-access through your PalawanPay app, kaya puwede mong ma-enjoy ang high-quality drama kahit saan.
MAY BAYAD BA ANG PANONOOD?
May allocated na free episodes sa bawat series, Suki!
Kung nabitin ka at nais mong ipagpatuloy ang panonood, piso lamang kada episode na gusto mong i-unlock at mapanood!
KAILANGAN BA NA VERIFIED ANG AKING PALAWANPAY ACCOUNT UPANG MAKAPANOOD?
Hindi kailangan na verified ang iyong PalawanPay account, Suki!
Ito ay accessible kahit sa basic accounts pero hindi ito maa-access ng minor account holders.
ANONG KLASENG PALABAS ANG MAPAPANOOD KO SA PALAWATCH?
Ang contents na maaari mong mapanood sa PalaWatch ay may rating na G at PG.
Maaari kang mamili ng genre na gusto mo!