Pwede ka rin gumawa ng sub-wallet bukod sa iyong main wallet o account. This is a simple way to help you organize your finances, Suki!
Basahin ang mga sumusunod na steps:
- Buksan at mag-login sa PalawanPay app.
- I-slide and main wallet hanggang lumabas ang option to add a sub-wallet.
- Piliin ang “Add sub-wallet”.
- Ikaw ay bibigyan ng mga pagpipilian kung ang nais mo ay gumawa ng iyong sub-wallet or child wallet.
- Maglagay ng pangalan ng sub-wallet. Maaaring ito ay para sa Bills, Travel, Utilities o kung anuman ang bagay na paglalaanan.
- Basahin ang mga reminders at pindutin ang “Create a Sub Wallet”.
- Awesome! Nakagawa ka na ng iyong sub-wallet. Pwede ka nang bumalik sa home page ng iyong PalawanPay app at i-slide ang options mula sa iyong Main Wallet. Makikita rito ang iyong bagong gawang sub-wallet.
Upang palitan ang sub-wallet name, sundin lamang ito: Paano i-update ang sub-wallet?