Kung nawala ang iyong sim o mobile device, i-report agad ito sa PalawanPay Customer Support para sa iyong kaligtasan at para pansamantalang i-suspend ang iyong account.
Mag submit lamang ng mga sumusunod na requirements depende sa inyong account KYC Level.
- Valid ID
- Signed Letter Request
- Notarized Affidavit of loss
I-report din agad pagkawala ng iyong sim o mobile device sa iyong mobile network provider para sa karagdagan tulong at impormasyon kung paano ma-block ang iyong number at mapalitan ang sim.
Kung nakakuha ka ng panibagong sim na may kaparehong mobile number, ipaalam lamang sa PalawanPay Customer Support upang ma-verify ang iyong identity at mal-lift ang suspension ng iyong PalawanPay account.
Kung pinili mo naman na gumamit ng bagong mobile number, maaari mong i-register sa PalawanPay app at magpa-verify ng account. Ang natitira naman na funds sa iyong lumang account ay pwedeng malipat sa bago kung ang iyong identity ay ma-verify na kaparehas ng lumang account.