Hangad natin ang pinakamagandang experience sa lahat ng aming mga Suki, kabilang ang mga Minor Users. Kaya naman gusto rin naming ma-enjoy nila ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng upgraded na account.
Narito ang customer journey sa PalawanPay app sa pag-upgrade ng account para sa ating mga Minor Users
Note: Ang Basic Account for Minors ay maaari lamang makatanggap ng funds (cash-in) o mag-process ng payment to merchant transactions (pay bills, QR Payment, and Buy Load). Hindi sila maaaring makapag-cash-out at mag-transfer ng funds sa ibang PalawanPay account at kahit anumang financial institutions (via InstaPay).
- Para sa minors na may edad 13-17 years old, ang magulang o legal guardian ay dapat na magbigay ng authorization o consent sa paggawa ng PalawanPay account at siyang magiging may responsibilidad sa account.
- Upang i-upgrade ang account, dapat ay mayroon silang email address at kahit anong identification document ng taong nakapangalan sa PalawanPay account na gagawin.
- Maaari ilang mag-upload ng isang primary ID o dalawang secondary IDs. You may refer to this article for the list of acceptable IDs: KYC Acceptable ID List.
- Ang i-uupload na photos ng harap at likod ng kanilang ID ay dapat na malinaw.
- Tulad ng nabanggit, may option upang mag-upload ng supporting documents. Makikita rin dito na may separate option upang mag-upload ng documents para sa "For Foreigners".
- At sa huli, at ang pinakamahalaga, ang Minor User ay dapat mag-upload ng 1 primary ID ng kanilang parent/guardian at consent letter mula sa parent/guardian na may malinaw na pirma.